Produksyon ng bangus at turismo, apektado na ng oil spill sa Bolinao

Ikinaluungkot ngayon ni BFAR Aquaculturist Florante Garcia, ang paghina ng bentahan ng produktong bangus sa bayan ng Bolinao Pangasinan at sa mga sinusuplayan nitong mga lugar sa maynila.

Dahil umano sa pinsalang dulot ng oil spill mula sa lumubog na barko ng myanmar vessel apektado ngayon ang kalakalan ng bangus sa bolinao.

Ayon pa kay Garcia, ang Navotas at Malabon bilang pangunahing buyer ng Bolinao bangus ay naging matumal ang transaksiyon rito sa pangambang apektado ang mga isda.

Maliban dito, tinitingnan din ng bayan ng Bolinao ang posibleng maging problema sa turismo ng lalo pa ang mga hotels at resorts ng bayan.

Ayon pa kay Atty Ayar Montemayor, Bolinao Research Head Consultant apektado nito maging ang maliliit na mamayan sa naturang bayan lalo na sa turismo. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*