Special Program for Employment of Students ng DOLE Region1, nakahanda na ngayong summer

Naghihintay ngayon ang mahigit limang libong Job Vacancies sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (spes) ngayong summer dito sa Region One.

Ayon kay Arly Sta. Ana Valdez, ang Department of Labor and Employment Information Officer, ang nasabing programa ay layuning tulungan ang mga mahihirap ngunit deserving na mga mag-aaral para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibibigay sa kanila ng hanapbuhay ngayong summer.

Ang pagtanggap ng mga aplikante ay sinimulan noon pang enero at magtatapos sa huling linggo ng buwan ng marso ngayong taon.

Target ngayon ng DOLE na maipasok sa trabaho ang mahigit limang libo at dalawang daang estudyante mula sa apat na probinsya ng Region 1, kung saan naglaan ng 2,851 na slots para sa Pangasinan, 700 sa La Union, 900 sa Ilocos Sur at 973 na slots para sa Ilocos Norte. ( dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*