10 magsasaka sa bayan ng Mangaldan, nabiyayaan ng Palay Seed Subsidy

Umabot na sa sampung magsasaka ang nabiyayaan ng palay seed subsidy sa bayan ng  Mangaldan Pangasinan.

Bahagi umano ito sa programang pangagrikultura ni Mayor Bernardo Abalos, kung saan sa halagang anim na raang piso ang bawat sako ng palay na bibilhin ng mga magsasaka.

Maliban sa subsidiyang buto ng palay, isang traktor rin ang kasalukuyang umiikot sa buong kabayanan para sa libreng operasyon ng magsasaka sa kanilang pagtatanim.

Paliwanag pa ni Municipal Agriculturist Myrna Aviar, kinakailangan lang aniya na makipag-ugnayan sa tanggapan ng Agriculture’s Office para sa operasyon ng traktura. (Genevive Ocampo – DZRD Reporter)

Speak Your Mind

*