1,672 Trabaho, nakalaan sa Job Fair ng DOLE sa Mayo 1

Aabot umano sa 1,672 local jobs vacancies ang nakalaan para sa job fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE) dagupan District Office sa Mayo Uno sa Robinson Mall sa Calasiao, Pangasinan.

Ayon kay Emmanuel hagad ang DOLE District Officer sa Dagupan, makikiisa sa gaganaping job fair ang may 26 local employers mula sa banking and finance, health and wellness, merchandiser, insurance agent, sales man, construction sectors at iba pa.

Kabilang naman aniya sa bakanteng puwesto na kailangang punan ay managerial at supervisor position, professional, technical skilled, service workers, at iba pa.

Nakaantabay naman aniya ang Social Security System (SSS), Pagibig, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magbigay nang agarang serbisyo.

Pinayuhan naman ni hagad ang mga job seekers na ihanda ang ilang kakailanganing dokumento sa paghahanap ng trabaho tulad ng biodata, police at nbi clearance, school records at iba pa.

Speak Your Mind

*