2 Jobs Fair sa Labor Day, sabay na isasagawa sa Pangasinan

Dalawang Jobs Fair ang isasagawa sa lalawigan ng Pangasinan bilang bahagi sa pagdiriwang ng Labor Day, sa pangunguna ng Dept. Of Labor and Employment Regional Office.

Ayon kay DOLE Regional Director Grace Ursua, isa itong oportunidad para sa lahat ng mga naghahanap ng trabaho kung saan naka-angkla ito sa temang: “manggagawang pilipino: handa sa hamon ng makabagong panahon.”

Ayon pa kay Ursua, ang “jobs fair” ay isang mekanismo upang maiwasan ang mga illegal recruitment activities at mapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa.

Ang Mega Jobs Fair ay nakatakda sa Mayo Uno sa SM Rosales Pangasinan; at Robinson’s Place sa bayan ng Calasiao.

Kasabay ng jobs fair ang mga wellness services kagaya ng manicure, pedicure, facial make-up, at libreng tawag sa abroad na inisponsoran ng OWWA.

Speak Your Mind

*