4,000 bangus, iihawin sa “Calutan ed Dalan” ng Bangus Festival

Tinatayang aabot sa apat na libong bangus ang nakatakdang ihawin sa darating na “Calutan ed Dalan” sa April 30 na bahagi ng Bangus Festival 2013

Ayon kay Councilor Alvin Coquia, ang Commettee Chairman ng Bangus Festival secretariat, kahalintulad noong nakaraang taon, aabot din sa 800 Grills ang nakatakdang ilatag sa A.B Fernandez paikot ng Hererro Perez Boulevard para pag-ihawan ng Bangus.

Sinabi pa ni Coquia na ang bawat grills ay mabibili sa halagang P2,500 may kasamang 4 na kilong Bangus, dalawang 1.5 coke, tong, apron, at kalahating sako ng uling.

Kasabay nito, may nakahanda na rin umanong 13 stage at posibleng umabot pa sa labinlimang entablado para sa mga banda na siyang higit na magbibigay kasiyahan sa publiko.

Speak Your Mind

*