April 30, idineklarang Special Non-working Holiday sa Dagupan Pangasinan

Idineklara ng Malakanyang na Special Non-working Holiday para sa lungsod ng Dagupan ang araw ng April 30 dahil sa pagdiriwang ng “12th Bangus Festival.”

Ayon sa Proclamation No. 570, isang Executive Order na pinirmahan ni Secretary Paquito Ochoa Jr., idineklara ang araw ng Martes April 30 na Special Non-working Day sa syudad,

Layunin din nitong bigyan ng pagkakataon ang mga dagupenyo na maging bahagi sa “Bangus Festival”, isang serye ng mga aktibidad kabilang na ang “Gilon-Gilon” Street Dancing, “101 Ways to Cook Seafood”, “Lechon Festival” at marami pang iba.

Pangungunahan ito nina Bangus Festival Executive Committee Chair Councilor Alvin Coquia, Mayor Benjie Lim at Vice Mayor Belen Fernandez. (DZRD Newscenter)

Speak Your Mind

*