AUTOPRO-Pangasinan, hindi magbawas ng pamasahe

Wala pa umano sa panahon upang isulong ang pagbaba ng pamasahe mula sa kasalukuyang P8.50 sa P7.50 sa mga pampasaherong jeep dito sa lalawigan ng Pangasinan

Una rito, napatupad ng big time rollback ang mga oil companies sa kanilang produktong petrolyo kabilang na ang Shell, Petron, Shevron, Seaoil na nagbawal ng P1.65 sa kada litro ng premium, unleaded, regular at gasoline, habang P.70 sa kada litro ng kerosine.

Ayon kay Benny Aquino, Presidente ng Alliance of United Transport Organizations Province-Wide (AUTOPRO-Pangasinan), hanggat hindi pa umaabot sa P36.00 ang presyo ng langis ay hindi sila magpapatupad ng bawas pasahe.

Lalot hindi aniya nila masabi ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo lalot kung magpatupad ang mga oil companies ay rollback ng kunti habang magdadagdag naman ang malaki kung mag oil price hike.

Speak Your Mind

*