Bangus Rodeo, itinampok ang ibat-ibang katangian ng Bangus

Itinampok kahapon sa bangus rodeo ang lahat ng may kaugnayan sa bangus, ang kakaibang hugis, laki, haba, at ganda ng bangus.

Ito ay bahagi parin ng selebrasyon ng bangus festival 2013 sa lungsod kung saan ang bangus rodeo ay labing tatlong taon nang isinasagawa.

Ayon kay Dagupan City Agriculturist Emma Molina, hindi makukompleto ang okasyon kung hindi maitatampok ang Bangus Rodeo dahil dito naipapakita ang natatanging produkto ng dagupan.

Maliban sa pagandahan ng bangus, nagpaligsahan din ang mga dagupenyo sa pabilisan sa pagsuft, pag-debone at pagkain ng bangus.

Speak Your Mind

*