CHO Dagupan, nakatutok Pigar-Pigar Festival

Tinitiyak ng Dagupan City Health Office na ligtas kainin ang mga pagkaing inihahain sa Galvan St, ang Pigar-Pigar na kilala narin sa lungsod ng Dagupan.

Ito ay kasabay ng selebrasyon ng 2013 bangus festival kung saan ang sikat na pagkain ay binuksan narin sa lunsod bilang Pigar-Pigar Festival.

Ayon kay City Health Officer Dr. Leonard Carbonell, sinisiguro nilang malinis at dumaan sa tamang prosiso ang mga utensil na ginagamit sa pagkain.

Kasama rin aniya sa kanilang minomonitor ang kalinisan ng paligid dahil dito malimit nakukuhan ang ibat-ibang mikrobyo.

Samantala, ang Pigar-Pigar Festival at tatagal ng limang araw kung saan binuksan ito kahapon kasabay sa isinagawang 101 ways to cook seafood.

Speak Your Mind

*