Isinasagawang mga JobsFair, malaking tulong para makapagbigay trabaho – DOLE

Naniniwala ang Department of Llabor and Employment (dole) Dagupan na malaki ang naitutulong ng mga isinasagawa nilang jobs fair para makapagbigay trabaho.

Ayon kay DOLE District Officer Emmanuel hagad, sa pamamagitan ng kanilang mga programa ay nabibigyang pagkakataon na magkita ang mga local employer at mga jobs seekers.

Sa ganitong pagkakataon rin aniya, natutugunan ang skills registry system o srs ng dole na siyang ipino-post sa website ng ahensya na www.phil.job.net para makita ng mga employer ang mga aplikante na nangangailangan ng trabaho.

Sinabi ni hagad na sa pamamagitan nito naiiwasan din ang mga job mismatch na nagreresulta ng unemployment o underemployment kayat nagsasagawa sila ng employment coaching at guidance counselling partikular sa mga newly graduate.

Speak Your Mind

*