Listahan ng mga violators ng fair election act, hawak na ng comelec pangasinan

Sinisiguro ngayon ng Provincial Elections Office na ipagpapatuloy ng mga Municipal at City Election Offices ang kanilang Operation Baklas, dahil sa paglabag ng Fair Election act ng halos lahat ng mga kandidato.

Ayon kay Provincial Election Supervisor Marino Salas, isa ang lungsod ng dagupan sa nakikitang may talamak na paglabag sa nasabing batas kung saan sinasamantala ng mga kandidato ang pagdiriwang ng Bangus Festival.

Karamihan sa mga posters ay over-sized at marami din ang mga nakakabit sa mga ipinagbabawal na lugar. Lahat ng mga campaign paraphernalia na tinatanggal ng  COMELEC sa tulong DILG, DPWH at PNP ay nasa kustodiya na ng mga Police Stations.

Ayon pa kay Salas, lahat ng mga violators ay naisumite na sa Law Department ng COMELEC, at kung makita ang sufficient evidence sa pamamagitan ng proper investigation, ay siguradong mapipilahan ng kaso ang mga lumabag na kandidato.

Speak Your Mind

*