Local Candidate ng Urdaneta, pinuri ng COMELEC

Umani ang magandang kumento mula sa Provincial COMELEC ng Pangasinan ng mga lokal na kandidato sa lungsod ng Urdaneta.

Ito’y dahil sa pagiging disiplanado umano ng mga kandidato ng urdaneta sa pagsunod sa omnibus election code lalo na sa pagkakabit ng kanilang mga campaign porters.

Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, hindi niya naramdaman na may eleksyon sa lugar dahil kitang-kita na nasa tamang lugar ang mga campaign poster nang magkakalabang partido.

Idinagdag pa ni salas na kung nagawa ng mga kandidato sa nasabing lungsod na makasunod sa ipinag-uutos ng COMELEC, bakit hindi aniya magawa ito ng lahat lalo na ang mga kandidato ng Dagupan.

Speak Your Mind

*