Mega-job Fair, isasagawa sa Labor Day sa Pangasinan

Kasabay ng selebrasyon ng labor day, dalawang araw na mega-job fairs ang isasagawa sa sm city rosales at robinsons mall sa bayan ng Calasiao Pangasinan na magsisimula sa May 1.

Mahigit limang libong trabaho ang naghihintay mula sa local and overseas job vacancies na pangungunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kabilang din ang one-stop shop services na ibibigay para sa mga aplikante ng ibat ibang ahensya ng gobyerno, kagaya ng DOLE, TESDA, Professional Regulation Commission, POEA, Overseas Workers Welfare Administration, Regional Tripartite Wage Productivity Board, National Labor Relation Commission, SSS, Pagibig, Philhealth at DSWD.

Ang nasabing mega jobs fair sabay-sabay na isasagawa sa lahat ng SM Supermalls sa buong bansa.

Speak Your Mind

*