Mga Water Refilling Station, mahigpit na binabantayan sa Dagupan

Hindi umano nagpapabaya ang City Health Office sa pagpapaalala sa mga Water Refilling Station sa lungsod na maging maingat ang mga ito sa kalinisan ng kanilang produkto.

Dahil dito, natitiyak umano ngayon ni Dr. Leonard Carbonell, City Health Officer ng Dagupan na mataas ang demand ng tubig sa tuwing panahon ng tag-init.

Kaya naman puspusan ngayon ang pakikipag-usap ng pamunuan nito upang masiguro na ligtas ang lahat ng proseso sa mahigit na 19 na Water Refilling Stations sa lungsod.

Samantala, nirirekomenda ngayon ni Carbonell na ligtas na inumin ang deep well dahil sa malayo umano ito sa kontaminasyon

Speak Your Mind

*