NPC Pangasinan, wala umano sa posisyon para mamagitan kina Shahani at Braganza

Huwag umanong sisihin ang pamunuan ng Nationalist People’s Coalition (NPC) kung nagkakaroon man ng sigalot sa liderato ng liberal party sa Pangasinan.

Ito ang opisyal na reaksyon ng NPC sa isyung ipinupukol ng liberal party na ang mga supporters ni re-electionist Governor Amado Espino ay gumagamit ng dirty tricks sa pamamagitan ng media, kung saan labimpitong LP Mayoralty Candidates umano ang nagpahayag ng pagsuporta kay Espino at iwanan ang suporta para kay Braganza.

Ayon kay Mark Conjuangco, ang Chairman ng NPC, si LP Board member Ranjit Ramos-Shahani, na pinsan ni Braganza, ay siya umanong nag-commit ng suporta para kay Espino.

Sinabi pa ni Cojuangco na ang nangyayari ngayon ay labanan ng magpinsang Shahani at Braganza sa party leadership ng liberal party ng Pangasinan, at ang NPC ay wala umano sa posisyon para mamagitan sa dalawa.

Speak Your Mind

*