Paggalaw sa presyo ng mga School Supplies, asahan na umano sa Mayo

Asahan na umano ang paggalaw ng presyo ng mga school supplies sa susunod na linggo o sa bunwan ng mayo bunsod ng pagbubukas ng klase sa hunyo.

Ito ang inihayag ni Chief Trade Iindustry Development Specialist Marjorie Loresco ng Department of Trade Industry o DTI Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshineradio.

Ayon kay Loresco, karaniwang tumataas ng presyo ng mga papel, ballpen at pencil.

Ganunpaman, tiwala ang dti na masusunod parin ang dati nang Suggested Retail Price (SRP) noong nakaraang taon alinsunod sa National Price Coordinating council (npcc) kayat posible aniyang walang masyadong pagtaas sa presyo ng school supplies ngayong taon.

Speak Your Mind

*