Presyo ng Bangus sa Dagupan, asahan na umano ang pagtaas

Kasabay ng sunod-sunod na selebrasyon ng mga festival sa pangasinan, asahan na umano ang paggalaw sa presyo ng bangus bilang nangungunang produkto sa lalawigan.

Ayon kay Dagupan City Agriculturist Emma Molina, malimit na tumaas ang demand ng bangus tuwing calutan ed dalan ng bangus festival at pistay dayat ng probinsya ng pangasinan.

Aniya, sa panahong ito dagsa ang mga mamimiling turista lalot ang dagupan ang tinaguriang pinakamasarap na bangus at kinilala pang bangus capital of the world.

Sakali naman aniyang tumaas sa presyo ng bentahan ng bangus sa dagupan, posibleng aabot lamang sa p5 kada kilo ang itataas nito, nangangahulungang magiging p110 hanggang p115 ang kada kilo ng bangus.

Speak Your Mind

*