Seafood Market of the North, target ng Dagupan Bangus Festival 2013

Target ng lungsod ng Dagupan na maging “Seafood Market of the North” kayat sa pagdiriwang ng Bangus Festival 2013 ay itatampok nila ang 101 ways to cook seafoods.

Sa pamamagitan umano nito, ipapakita ang ibat ibang klase ng lamang dagat na maaaring mabili dito sa lungsod.

Samantala, dinadagan pa ang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng bangus festival para mas magiging kapana-panabik umano ang nasabing selebrasyon.

Sinabi ni Councilor Alvin Coquia, Executive Chairman ng Bangus Festival na maliban sa 29 na nakalatag na aktibidad na taunan na ring ginagawa, may tatlong iba pang aktibidad ang kanilang idinagdag upang mas mapaganda ang pagdiriwang.

Magkakaroon ng Dragon Boat Race sa Pantal River, Ms. Gay a Dayat sa Bonuan Tondaligan at 101 Ways to Cook Seafoods.

Speak Your Mind

*