Supply ng Bangus, Normal pa

Nananatiling normal pa umano ang supply ng bangus sa lungsod ng Dagupan bagamat nag-umpisa na ang selebrasyon ng Bangus Festival 2013.

Sa ngayon, nalalaro pa ang presyo ng Bangus sa P100-110 kada kilo sa Malimgas Market sa lungsod.

Tiniyak naman ni Dagupan City Agriculturist Emma Molina, na mahigpit silang magmomonitor sa presuhan ng bangus upang maiwasan ang mga mamamantalang negosyante.

Bagamat malaki tulong umano sa mga maliliit na mga bangus grower ang magandang bentahan ng bangus, mahalaga rin aniya huwag dayain ang presyo ng mga itinitindang produkto upang hindi makasira sa magandang emahe ng lungsod.

Speak Your Mind

*