Water Treatment Plant, itatayo sa Urdaneta

Nakatakdang itayo ang isang Water Treatment Plant sa lungsod ng Urdaneta Pangasinan.

Tinatayang nasa apat na milyong piso ang gastos at tatagal umano ang konstruksiyon ng limang buwan.

Ayon kay WMDchief Reynaldo Quinto, isa ang Slaughter House sa ilang pangunahing lugar na dapat may malinis na tubig lalo na sa waste water ng mga ito.

Alinsunod ito sa Clean Water Act 9275, kung saan balak ng siyudad na masiguro na may malinis na tubig ang buong lugar partikular na sa mga pangunahing gumagamit ng nasabing tubig. (Maila Calderon – DZRD Reporter)

Speak Your Mind

*