2 OFW’s, patay matapos atakihin ng mga galit na Taiwanese sa Taiwan

Dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napaulat na nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan ma­­tapos atakihin ng mga galit na galit na Taiwanese sa Taiwan.

Ito’y kasunod ng pagkakapatay ng mga kagawad ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang mangingisdang Taiwanese na ilegal na pumasok at nangisda sa Balintang Channel na sakop ng Pilipinas.

Beni-beripika na ng Manila Economic and Cul­ture Office (MECO) na na­kabase sa Taiwan ang report na isang pinay ang nasawi makaraang pagsasaksakin ng mga Taiwanese sa isang probinsya sa Taiwan.

Ang nasabing ulat ay unang ipinarating ng isang OFW na si Karren Yabut Viernes, isang Caregiver sa Taipei sa isang himpilan ng Radyo sa Cagayan de Oro.

Isa namang pinoy ang nasawi sa ospital ma­tapos umanong pagtulungan ng isang grupo ng taiwanese na paghahatawin ng baseball bat habang nagla­lakad ito galing sa trabaho.

Speak Your Mind

*