AFP, itinaas na rin sa Red Alert Status ang buong bansa

Itinaas na sa red alert ang status ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa.

Ayon kay AFP Chief Brigadier General Domingo Tutaan Jr., tagapagsalita ng AFP, na itinaas kaninang alas kwatro  ng umaga sa red alert ang status ng AFP at magtatapos naman sa darating na ika-labin lima ng Mayo ng alas kwatro  ng umaga.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa paghahanda ng AFP sa nalalapit na halalan.

Inabisuhan rin ang lahat ng mga sundalo sa buong bansa na maging alerto lalo na sa mga law less elements na posibleng manggulo sa mismong araw ng halalan.

Speak Your Mind

*