AFP, tiniyak na ipagtanggol ang bansa laban sa nanghihimasok na China

Lalaban ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hanggang sa pinakahuli nitong sundalo para ipagtanggol ang teritoryo at soberenya ng bansa laban sa nanghihimasok na China.

Ito ang tiniyak ni Defense Sec. Voltaire Gazmin kasabay ng pagsasabing ang pangyayari sa Ayungin Reef ay direktang pananakop ng China.

Sa pinakahuling monitor ng AFP sa Ayungin Reef ay namataang nasa lugar ang isang military warship, dalawang maritime ship, at mga barkong pangisda ng China na kasalukuyang kinakalkal ang yamang-dagat  ng lugar.

Pero tila walang magagawa ang AFP habang kinakalkal ng mga intsik ang ayungin na bahagi ng teritoryo ng bansa.

Ayon kay Gazmin, nasa kamay na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang usapin sa pamamagitan ng paghahain ng diplomatic protest laban sa China.

Speak Your Mind

*