Alaska, kampeon sa 2013 PBA Commissioner’s Cup matapos ilampaso ang Ginebra

Hawak na ngayon ng Alaska Aces ang 2013 pba commissioner’s cup matapos talunin ang barangay ginebra, 104-80, sa game 3 ng best-of-five series finals linggo ng gabi sa smart araneta coliseum.

Tuluyang inilampaso ng aces ang kings na tatlong sunod na nanalo para tuluyang masungkit ang ika-14 na kampeonato sa harap ng 23, 436 fans na siyang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng liga.

Nagtala ng double-double performance ang import ng aces na si rob dozier sa kaniyang 27 points at 20 rebounds bukod pa sa pitong assists at anim na blocks.

Samantala, kinilala naman si sonny thoss bilang finals mvp na nakagawa ng kabuuang 13 points at 14 rebounds.

Matatandaang miyerkules nang talunin ng aces ang kings sa game 1, 87-80, at sa game 2 noon namang biyernes, 104-90.

Speak Your Mind

*