Amerika, nag-aalala sa tensiyon sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas

Nag-aalala ang Amerika sa kumukulong tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan kasunod ng pagkamatay ng mangingisdang Taiwanese na nabaril ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni U-S State Department Acting Deputy Spokesman Patric Ventrell na dapat ayusin ang hindi pagkakaunawaan at hindi na rin nararapat pang maulit ang trahedya.

Umapela rin ang Amerika sa magkabilang panig na tiyakin ang Maritime Safety at iwasang gumawa ng mga aksyon na makapagpapalala ng tensyon sa rehiyon.

Matatandaang hindi tinanggap ng Taiwan ang Sorry ng Pilipinas dahil sa umano’y kawalan ng sinseridad.

Pinatigil din ng taiwan ang pagtanggap ng aplikasyon ng mga pinoy workers.

Speak Your Mind

*