ARG and WLMS, ilalagay ng DOST sa mga river basin ng Pangasinan

Bilang paghahanda sa pagpasok ng tag-ulan, maglalagay ang Dept of Science & Technology (DOST) Regional Office sa mga river basin ng Pangasinan, ng Automatic Rain Gauges (ARG) and Water Level Monitoring Systems (WLMS) partikular na sa mga bayan ng Alcala, Bayambang, Natividad, San Nicolas, San Quintin, Tayug, Umingan at Urdaneta City, kabilang na ang Petron Gas Stations at sa mga Smart Cell Sites.

Ayon kay DOST Provincial Director Felipe Andrada, ang Automatic Rain Gauge ang siyang nagtatala ng rainfall volume at ang duration ng pag-ulan sa isang lugar.

Ang rainfall data ay maidi-distribute sa pamamagitan ng Global System For Mobile Communications (GSM) o General Packet Radio Service (GPRS) Network at maipaparating sa central server para sa kaukulang analysis.

Samantala ang water level monitoring systems naman ay ilalagay sa mga flood susceptible zones para sa flood monitoring.

Speak Your Mind

*