Arthur Celeste, panalong mayor ng Alaminos City

Idineklara nang panalo si Arthur Celeste ng Alaminos City ganap na ika-10 kaninang ng umaga ni Comelec Officer Estrellia Cave sa katatapos lang na halalan kahapon.

Nagwagi si Arthur Celeste, sa botong 15,373 laban sa mga katunggali nito sina Lean Braganza, anak ni Alaminos City Hernani Braganza, Teofilo Humilde, Jr, Board Member ng unang distrito at Cesar Manzano, ang vice alkalde ng lungsod.

Itinahang ding panalo si Earl James Aquino, sa pagka bise mayor sa botong 16,708 laban sa lima nitong katunggali na sina       Danilo Dizon, Ban Radoc, Emilio Palisoc at Art Garcia.

Pasok naman ang mga nanalong konsehal sa lungsod ng Alaminos na sina Perez, Anton 18,479, Joseph Bacay 18,391, Ion Fontelera 15,810, Margielou Humilde, 15,807, Ranny de Leon 14, 723, Oscar Boling 13,297, Rufina Gabriel 11,624, Perlito Rabago, 11,091, at Maan Sison-Isla, sa botong 9,748.

Sinabi naman ng Comelec na inatakda na nilang isubmit sa provincial board of canvass ngayon ding araw. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*