Charlene Gonzales, naniniwala parin sa justice system sa bansa

Mangiyak-ngiyak na inihayag ng Beauty Queen Turned TV Host/Actress na si Charlene Gonzales na lalabas din ang katotohanan at naniniwala siya sa justice system ng bansa.

Ito’y matapos ang pagkatalo ng mister niyang si Aga Muhlach sa Congressional Race sa 4th District ng Camarines Sur.

Ayon sa TV Host, hindi pa nila maunawaan ni Aga kung ano ang nangyari pero balang araw ay tiwalang maiintindihan nila ang pagkatalo nito.

Sa ngayon daw ay tuloy ang buhay at masaya pa rin naman sila ni Aga bilang mag-asawa kasama ang kambal na anak.

Matatandaang si Felix William “Wimpy” Fuentebella ang naiproklamang Congressman sa botong 82,834 habang si Muhlach ay mayroon lamang 80,629 votes sa May 13 Midterm Elections. (from dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*