Ched, aprubado ang pagtataas ng matrikula ng walong eskwelahan ng Pangasinan

INAPRUBAHAN na ng Commission on Higher Education (CHED) ang labin limang pribadong eskwelahan dito sa Region 1, at walo dito ay mula sa lalawigan ng Pangasinan, ang pinayagang magtaas ng kanilang matrikula sa 11.99 percent simula ngayong taon.

Sinabi ni CHED Regional Director Caridad Abuan, labinlima lamang ang kanilang pinayagan na magtaas ng matrikula mula sa dalawampu’t dalawang nag-apply sa kanilang tanggapan.

Kabilang sa walong eskwelahan sa pangasinan na magtataas ng matrikula ang St. Columban’s College sa Lingayen; San Carlos College sa San Carlos City; Lyceum Northwestern University- Urdaneta City; Our Lady Of Manaoag College, Palaris College, San Carlos City; Pass College, Alaminos City, STI Dagupan at University of Pangasinan, Dagupan City.

Nilinaw naman ng Ched na bago maaprubahan ang pagtataas ng matrikula ay kailangan munang makapagsagawa ng konsultasyon sa mga stakeholders ng eskwelahan, kabilang dito ang mga miembro ng student body, ang student council at mga Alumni bago ito makapag-apply sa tanggapan ng ched.

Samantala, sa ilalim ng Ched Guidelines, 70 percent sa increased tuition fees ay gagamitin para itaas ang sahod ng kanilang faculty at non-teaching staff; 20 percent para sa improvement ng school facilities; at 10 percent para sa kanlang return of investment.

Speak Your Mind

*