Comelec idinipensa ang pagkakaroon nila ng Intelligence Fund

Inamin ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes Jr. Na tumanggap ito ng Intelligence Fund.

Ngunit nilinaw ni Brillantes na nakadetalye at malinaw ang pinupuntahan at pinagkakagastusan ng pondong ito.

Sa katunayan ay aprubado aniya ng malacañang ang kanilang intelligence fund.

Kabilang aniya sa pinagkagastusan ng kanyang intel fund ngayon ay ang paghahabol at pagsusulong ng kaso sa mga naging opisyal ng komisyon.

Kinumpirma naman ng malacañang na aprubado ni Pangulong Aquino  ang pagkakaloob ng Intelligence Fund sa Chairman at mga komisyuner ng Comelec alinsunod sa General Appropriations Act.

Speak Your Mind

*