Dalawang Bayan sa Pangasinan, hindi nata-transmit ang resulta ng halalan.

Tanging dalawang bayan nalang umano ang hinihintay ng Provincial Board of Canvassers upang maibigay na ang resulta sa central board sa PICC Manila.

Ayon sa panayam kay Provincial Comelec Supervisor Atty. Marino Salas kahapon, umabot na sa 92% ang official transmitted election result.

Nilinaw pa ni Salas na hindi na maaapektuhan ang bilang ng resulta sa mga nanalong kandidato sa katatapos lang na halalan noong mayo a trese.

Ang mga bayan ng Binmaley at Malasiqui na lang umano ang ngayo’y nasa huling listahan upang makapagtransmit ng resulta sa probinsiya.

Paliwanag pa ni Salas, ngayong araw na nila inaasahan na matatapos ang nasabing transmission bilang kabawasan na rin sa marami pa nitong gagawing ebalwasyon.

Speak Your Mind

*