Deped Dagupan, patuloy na umaapela sa mga mag-aaral na magpa-enrol na para sa darating na pasukan

Patuloy na inaanyayahan ng Deped Dagupan ang mga magulang at mag-aaral na pagpa-enrol na habang hindi pa dumarating ang pasukan sa June 3, 2013.

Ayon kay Deped Dagupan School Division Superintendent Dr. Gloria Torres, bagamat malaking tulong ang isinagawa nilang Early Enrolment noong nakaraang Enero kailangan pa rin nilang matiyak na hindi dadagsa ng mga magulang para magpalista sa araw ng pasukan.

Sa ngayon ayon pa kay Torres, umabot na sa 75% ang nagpalista o aabot sa tatlong libong estudyante ang ngayoy nakaenrol sa sekondarya school sa Dagupan.

Kasabay nito, tumaas din aniya ang bilang ng mga nagpatalang transferees mula sa private school na tanda ayon kay Torres na marami sa mga magulang ang nahihirapang magpa-aral sa pribadong eskuwelahan.

Speak Your Mind

*