Deped, handa na sa Pagbubukas ng klase sa June 3

Handa na ang Department of Education para sa pagbubukas ng klase sa June 3.

Ayon kay Deped Assistant Secretary Jesus Mateo, nagpatupad na sila ng early registration noong enero dahilan para mapaghandaan nila ang bilang ng mga estudyante.

Dagdag pa ni Mateo, ilulunsad nila sa susunod na linggo ang oplan balik-eskwela action center kasunod ng matagumpay na brigada eskwela.

Siniguro naman ni mateo na matutugunan  na ang  kakulangan sa classrooms bago matapos ang taon.

nakapagpatayo na aniya ng halos 34 thousand classrooms ang administrasyong Aquino at may gagawin pang halos 40 thousand, dahilan para matugunan ang 66, 800  thousand na kakulangan.

Positibo rin si Mateo na matutugun na ang kakulangan  sa mga guro ngayong taon at sinigurong wala ng  shortage ng mga textbooks para sa darating na pasukan.

Speak Your Mind

*