DepEd, mangangailangan ng mahigit 60,000 bagong guro sa darating na pasukan

Kukuha ng 60,000 mga bagong guro ang De­part­ment of Education (DepEd) ngayong darating na pasukan sa mga pampublikong paaralan.

Ito’y makaraang maaprubahan na ng Department of Budget and Ma­nagement ang pondo para sa pagpapasahod sa mga karagdagang guro.

Iniulat ng DepEd ang pag-apruba sa dagdag na 61,510 teacher items para sa taong 2013.

Ito ay upang mabawasan ang pagkukulang ng ahensya sa mga guro sa pampublikong elementarya at high school sa buong bansa.

Base sa DepEd Order No. 23 Series of 2013, ang mga gurong mare-redeploy sa ibang lugar ay makakatanggap ng isang beses na “redeployment allowance” na 18,000-piso.

Speak Your Mind

*