Deped, nagpasalamat sa mga nakiisa sa brigada eskuwela sa bayan ng Sta. Barbara

Nagpaabot ng pasasalamat ang Department of Education (Deped) sa ilang indibidwal at grupo na nakiisa sa isinagawang sa Brigada Eskuwela sa bayan ng Sta Barbara, Pangasinan.

Ayon kay Dr. Catalina Cabansag, Principal IV ng Daniel Marimba National High School, malaki ang naitulong ng ibat bang grupo at sector ng bayan para maging magaan ang trabaho sa pagsasaayos ng mga silid aralan.

Dagdag pa ni Cabansag, dalawang taon ng magkasunod na nakakuha ng parangal ang nasabing paaralan sa buong rehiyon.

Kaya hangad ngayon ng nasabing eskwelahan na makuha muli ang unang parangal para sa pangatlong pagkakataon. (Report Lryna Hernandez)

Speak Your Mind

*