DPWH Region 1, siniguradong napinturahan ang mga pedistrial lines malapit sa mga paaralan

Ilang araw bago ang pagbubukas ng klase, tiniyak ng Department of Public Works and Hiway (DPWH) Region 1 na maayos nang naihanda ng kanilang tanggapan ang mga lansangan malapit sa paaralan.

Sa panayam ng sonshienradio, sinabi ni Engr. Josie Wamar, DPWH Technical Assistant Regional Director na kaiisa ang may 10 district engineer sa rehiyon sa ipinatupad na Brigada Eskuwela ng Deped kung saan ito ang kanilang “Oplan Balik Eskuwela”.

Partikular aniyang tinutukan ng DPWH ang pagpipintura sa mga pedistrial lines at road widening sa entrance ng paaralan sa mga National Road.

Layunin umano nitong matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante lalo na sa mga tumatawid sa kalsada, sa pamamagitan ani Wamar ng mga pedistrial marking ay makikita ng mga driver at maiiwasan ang pagka-aksidente ng mga estudyante.

Speak Your Mind

*