Education for Development Scholarship Program ng OWWA Region1, inumpisahan na

Nalalapit na umano ang pagbubukas ng application ng Education for Development Scholarship Program o EDSP ng Overseas Workers Welfare Administration (Owwa) Region1 sa buwan ng Hunyo sa kasalukuyang taon.

Ayon kay OWWA Region1 Officer Gerry Rimorin, bukas ang nasabing programa ng OWWA sa mga dependents ng mga OFWS kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapag-aral ng libre sakaling pumasa ang mga ito sa proseso ng ahensiya.

Dadaan ang mga aplikante sa pamamagitan ng aplikasyon at validation sa mga dokumento nito hanggang sa pagkuha ng eksaminasyon sa buwan ng Oktubre.

Makatatanggap ang mapapalad na mga iskolar ng tatlumpong libong pisong ayuda sa pang edukasyon nito. (from newscenter dzrd981 dagupan)

Speak Your Mind

*