Globe at PLDT, itinanggi ang akusasyon ng comelec

Itinanggi ng Philippine Long Distance Telephone Corporation o PLDT at  ng Globe telecom na ang mahinang signal mula sa kanilang mga networks ang dahilan kung bakit na-delay ang transmission ng election returns sa main server ng comelec.

Ayon sa dalawang kumpanya ay sinigurado nilang mapapabilis ang transmission sa pamamagitan ng pag-iimprove ng mga systems nila at paghahanda ng husto para sa eleksyon.

Sinabi rin ng pldt at globe na ipinapadala nila agad ang mga data at sinisiguradong makakarating ito sa server kung kaya’t hindi sila masisisi sa delay.

Speak Your Mind

*