Hilagang Luzon, makararanas ng malawakang power interruption

Makararanas ng malawakang power interruption ang malaking bahagi ng hilagang Luzon hanggang sa sabado.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nagsimula kahapon nang ipatupad ang 16 hour power interruption sa ilang bahagi ng Pampanga at Bataan

Idinahilan sa power interruption ang reconfiguration sa Hermosa-Guagua at Hermosa-Dinalupihan 69 K-B transmission lines.

Samantala, makararanas din ng brownout ang bahagi ng Isabela sa araw na ito kung saan magsisimula ito ng alas-otso ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon.

Kasamang maaapektuhan sa power failure ang bahagi ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO-I).

Speak Your Mind

*