Hiling na T-R-O ng kampo ni Ai-Ai Delas Alas laban sa dating asawa, inaasahan na mailalabas ngayong araw

Inaaasahan ng kampo ni Comdey Queen Ai-Ai Delas Alas na ilalabas na ngayong araw ang Temporary Restraining Order (TRO) laban sa nakahiwalayang asawa na si Jed Salang.

Ito ang inihayag ng abogado ng komedyante na si Atty. June Abrosio kaugnay sa paghahain ng protecton order sa Quezon City Regional Trial Court nitong biyernes.

sa T-R-O na posibleng ibaba ngayon ng hukom, hindi makakalapit si Salang kay Ai-Ai at iba pang miyembro ng pamilya at kasambahay nito sa loob ng isangdaan hanggang limangdaang Metro at mistulang Gag Order ito dahil pinagbawalan din ang negosyante na magsalita ukol sa kaso.

Samantala, kimumpira rin ni Ambrosio na ibinalik na ni Salang ang gluxury car na iniregalo ni Ai-Ai dahil umano hindi makayang bayaran ang Amortization nito. (from dzar newscenter)

Speak Your Mind

*