Hindi pagsipot ni Nancy Binay sa sariling proklamasyon, ikinagulat

Ikinagulat ng lahat ang hindi pagsipot ni United Nationalist Alliance (UNA) Nancy Binay sa proklamasyon ng comelec sa mga nanalong senador.

Isa si binay sa unang anim na senador na pormal na iprinoklamang ng comelec bilang panalo sa ginanap na 2013 midterm elections.

Sa katunayan, maging ang tagapasalita ng UNA na si Toby Tiangco ay nagulat sa hindi pagdalo sa kaniyang proklamasyon.

Ayon sa ulat, ipinaabot ni binay sa kanyang abogadong si Donna Calamitan na hindi makadadalo ang bagong senador sa proklamasyon.

Gayunpaman, dumating sa proklamasyon ang mga kasamang iprinoklama na sina Grace Poe, Loren Legarda, Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano at Sonny Angara.

Speak Your Mind

*