Ilang oil companies, nagpatupad ng oil price hike ngayong martes

NAGDAGDAG presyo ang tatlong malalaking oil companies at Sea-Oil sa mga produktong petrolyo ngayong Martes, Mayo a-bente otso.

Epektibo, alas sais ng umaga, nagtaas ng 30-sentimos ang presyo ng gasolina kada litro habang 40-sentimos naman sa diesel at 45-sentimos kada litro naman ng kerosene ang kompanya ng Shell, Chevron, Petron at Seaoil.

Bunsod umano ito ng pag-angat ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Samantala, ito ang pangatlong linggo na nagpatupad ng dagdag-presyo ang mga kompanya ng langis.

Speak Your Mind

*