Jake Ejercito, binuweltahan ang mainit na pahayag ni Georgina Wilson laban sa ama

Nagalit ang anak ni dating pangulong Erap Estrada na si Jake Ejercito kay  British-Filipina Model na si Georgina Wilson dahil sa binitawan nitong pahayag na hindi maganda laban sa kaniyang ama sa social networking site na twitter.

Ayon sa iskandalosong tweet ni Wilson, tinawag nitong ‘walang kwenta’ ang mga pilipinong bumoto para kay Erap bilang alkalde ng Maynila.

Hindi naman ito pinalampas ni Jake Ejercito, ayon sa kaniyang bwelta sa pamamgitan ng twitter, marapat lamang na alamin muna ng modela ang sitwasyon ng Maynila at paano ito pinalakad noong nakaraang administrasyon bago maghayag ng kaniyang saloobin sa isang free world katulad ng social media.

Dagdag pa ng Ejercito, masakit ang kaniyang binitawan na salita, hindi lamang para sa kaniyang ama kung hindi na rin para sa mahigit tatlungdaang libong na Manileños at ang 9.4 na milyong pilipino na bumoto para sa kaniyang ama.

Speak Your Mind

*