Kahit sa loob ng tirahan, hindi na umano ligtas para sa mga ofw sa taiwan

Kahit sa loob ng tinitirahan ay mayroon umanong mga lugar sa taiwan na tila hindi na rin ligtas para sa mga manggagawang pinoy na naroroon.

Ayon kay Shiela Ma­yandai, isang ofw sa taiwan at vice chairperson ng migrante-taiwan, may grupo ng mga taiwanese na sumalakay at umatake sa dormitoryong tinitirahan ng mga ofws.

Sinabi ni Ma­yandai na anim na taiwanese ang pumasok sa dorm ng mga pinoy sa hsinchu kung saan ay pinagbabasag ng mga ito ang kanilang kagamitan.

Isang pinoy ang naabutan ng mga taiwanese kung saan sinaktan at kinuyog nila ito at ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.

Ayon kay Mayandai, ang mga inatakeng pinoy ay nagtatrabaho lahat sa pabrika.

Speak Your Mind

*