Kampo ni Brandon Rios, nangangapa pa sa gagawing Estratehiya kay Manny Pacquiao

Dahil sa dalawang sunod na kabiguan na nalasap ni manny pacquiao, hindi alam ng kampo ni Brandon ‘bam bam’ Rios kung ano ang ikikilos ng Filipino World Eight-Division Champion sa kanyang unang laban ngayong taon.

Ayon kay Mexican Trainer Robert Garcia, hindi pa nila napag-aaralan ni Rios (31-1-1, 23 kos) ang kanilang gagawing estratehiya kontra kay Pacquiao (54-5-2, 38 kos).

Noong 2012, natalo si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. Via Split Decision noong Hunyo 9 at pinatulog siya ni Juan Manuel Marquez sa Sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre 8.

Kagaya ni Pacquiao, nagmula rin sa kabiguan si Rios matapos talunin ni Mike Alvarado (34-1-0, 23 kos) via Unanimous decision sa kanilang rematch noong Marso 30.

Magsasagupa ang 34-anyos na si Pacquiao at ang 27-anyos na si Rios sa isang Non-title, Welterweight fight sa The Venetian Macao resort hotel sa Macau, China sa Nobyembre 24.

Speak Your Mind

*