Kaso ng HIV/AIDS na naitatala sa Pangasinan, nakakabahala na umano

Nakaaalarma na umano ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng HIV/AIDS sa buong bansa maging sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa tala ng Provincial Health Office, 36 ang may kaso sa probinsiya at 32 HIV positive habang apat ang kaso ng AIDS.

Naniniwala naman si PHO Director Dr. Ana de Guzman, malaking ambag sa pagtaas ng bilang nito ang pagkahumaling ng mga kabataan sa makabagong teknolohiya tulad ng social networkng site.

Ang basta-basta pakikipagrelasyon aniya na nakikilala sa facebook at pakikipagtalik sa mga taong hindi pa lubos na kilala ang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong sakit.

Ayon pa sa PHO, halos pabata na rin ang nagiging biktima ng nasabing sakit kung saan nasa edad bente hanggang bente nuebe dahil sa kakapusan ng seguridad at paaalala na rin ng mga magulang sa mga ito.

Speak Your Mind

*