Kevin Durrant, nangako ng tulong sa mga biktima ng buhawi sa Oklahoma

Nagpaabot na ang pakikiramay si Oklahoma City Thunder (OKC) Three-Time Scoring Champion Kevin Durant sa mga biktima ng pananalasa ng buhawi sa Oklahoma

Sa ngayon ay umaabot na sa halos 100 katao ang namatay at nasa 145 ang sugatan.

Sa kaniyang twitter post, ipinagdarasal ni Durant ang kaligtasan ng mga biktima ng ipo-ipo.

Kasabay nito, nangako si Durant ng $1 million na donasyon sa mga nabiktima ng buhawi upang may magamit sa kanilang pagsisimula.

Nakikiramay din sina Boxing Superstars Mike Tyson at Floyd Mayweather Jr., sa nangyari sa Oklahoma at umaasang makakabawi agad sa sinapit na delubyo.

Speak Your Mind

*