Lebron James at Kobe Bryant, nanguna sa all star NBA

Nanguna sina National Basketball Association-Most Valuable Player (NBA-MVP) Lebron James at Lakers Superstar Kobe Bryant sa mga bubuo ng All-NBA Team.

Kabilang sa All-NBA Team na makakasama nina James at Bryant ay sina Kevin Durant ng Oklahoma City Thunder (OKC), Tim Duncan ng San Antonio Spurs at chris paul ng Los Angeles Clippers

Napabilang naman sa All-NBA Second Team sina Tony Parker (San Antonio Spurs) Russell Westbrook (OKC), NBA top scorer Carmelo Anthony ng New York Knicks, Blake Griffin ng Los Angeles Clippers at Marc Gasol ng Memphis Grizzlies.

Ang pagpili ng All NBA Team ay binubuo ng 119 journalist mula sa buong Estados Unidos at Canada. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*