Magbebenta ng ‘botcha’ o double dead na karne, maaari ng makulong ng 6-12 taon

Aabot sa 100,000 hanggang isang milyong piso ang bayad-multa at pagkakulong ng mula anim hanggang 12 taon laban sa mga magbebenta ng ‘botcha’ o double dead na karne sa merkado.

Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Aquino ang isang panukalang batas upang mapabigat ang parusa laban sa mga nagbebenta ng ‘botcha’.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, pinirmahan ni Pangulong Aquino ang Republic Act. 10536 upang amiyendahan ang National Meat Inspection Code of the Philippines.

Umaasa si Valte na sa pagpapairal ng batas na ito, mababawasan na kundi man tuluyang matigil ang pagbebenta ng double dead na karne sa pamilihan dahil multa at kulong ang aabutin ng mahuhu-lihan nito.

Speak Your Mind

*